Korean national na sangkot sa investment property scam, natunton ng PNP at GCash
Nadakip kamakailan ang isang 70 taong gulang na Korean national matapos siyang ireklamo ng kanyang biktima dahil umano sa investment property scam. Ang suspek ay naaresto sa pangunguna ng Philippine National Police Northern District Anti-Cybercrime Team (PNP NDACT) ng Caloocan City, sa tulong ng nangungunang finance app sa bansa na GCash.
Ayon biktima, ang suspek na si Kyung Soo Lee ay nakilala niya online, at nagtago matapos tanggapin ang bayad para sa isang investment property.
“Ang pagkakadakip na ito ay paalala sa mga cybercriminals na sila ay pananagutin ng batas anuman ang kanilang lahi o nasyonalidad. Ang sino mang magtangkang maging isang banta sa kaligtasan ng digital landscape ng bansa ay tutugisin at huhulihin. ” (This arrest serves as a reminder that cybercriminals will be held accountable for their actions regardless of nationality. If anyone tries to threaten the safety of the Filipino digital landscape, you shall be pursued and apprehended,” stated GCash VP and Head of Corporate Communications Gilda Maquilan.
Samantala, muling pinaalalahanan ng GCash ang publiko na maging mas maingat at tandaan ang mga safety protocols kapag nakikipagtransaksyon online.
Dagdag ni Maquilan “Kasama ang PNP-ACG, inuulit namin ang kahalagahan ng pagsusumbong ng ng mga kahina-hinalang aktibidad sa aming mga hotline. Ang ating mga awtoridad ay maaari lamang kumilos laban sa mga kriminal sa cyberspace kung may pormal na reklamo na naisampa sa kanila” (On behalf of our partners from the PNP-ACG, we reiterate the importance of reporting suspicious activities through our hotlines. Our police authorities can only act on cybercriminals if there is a formal complaint filed with them,” added Maquilan.)
Maaaring mag-report sa mga hotline ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116, o sa email na acg@pnp.gov.ph.
Puwede rin mag-report sa GCash Help Center sa https://help.gcash.com o mag-message kay Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam.” Maaari rin silang makipag-ugnayan sa GCash hotline sa pamamagitan ng pag-dial ng 2882.
Hinihikayat din ng GCash ang mga users na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa platform, huwag ibahagi ang kanilang MPIN o OTP, at iwasan ang pag-click sa mga link na maaaring ikawala ng pera sa kanilang mga accounts dahil sa phishing. Ang GCash ay hindi magpapadala ng pribadong mensahe upang humingi ng personal na impormasyon, lalo na ang MPIN at One-Time Pin (OTP).
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.gcash.com.